Return To Deer Valley // Mark Barroca and the Nike React Hyperdunk 2017
7 August 2017

Written and shot by: Vic Sebastian

The recently released Nike React Hyperdunk 2017 is Nike Basketball’s newest team model and it boasts the Swoosh’s latest innovation in Nike React: a soft and ultra responsive foam that provides consistent energy uplift every minute of every game.

We linked up with Star Hotshots starting point guard, and our very own, Mark Barroca and talked Hyperdunks.





// You’ve been balling in the Hyperdunks since your FEU days. Tell us more about your love for the Nike Hyperdunk line.

Kasi ito talaga ‘yung tumatak sa akin noong FEU pa ako. Binigyan kami ng Hyperdunk, ‘yung pinakauna. Simula noon, ito na talaga ‘yung gusto ko. Hindi siya high cut or low cut, mid cut lang. Bad ankle na kasi ako kaya ‘yung fit na ito saktong-sakto na sa akin.



// What makes the Hyperdunk 2017 your weapon of choice this conference?

Sobrang gaan talaga. Kumportable ‘yung paa ko habang naglalaro. Maganda rin talaga tingnan habang nasa court ka. Parang everytime na may ganitong sapatos natatakam talaga ako. Lahat ng kulay kinuha ko na.





// For you, what’s the difference between the newest model and the previous ones?

Sa tingin ko ito na ‘yung pinakamaganda kasi hindi siya sumasagad sa gilid ng daliri ko sa paa. ‘Yung mga luma kasi tumatama. Pero ito kuhang-kuha talaga. Ito na rin ‘yung pinakamagaan sa kanilang lahat.



// There are 3 types of Hyperdunks: Flyknit, Mid, and Low. Which ones have you worn?

Ginamit ko ‘yung Flyknit na white kasi puti kami last game. Tapos may yellow and red naman kami na jersey so itong pula naman gagamitin ko sa next game.





// In the PBA, who else do you see rocking the new Hyperdunks?

Last game, kapwa DVT ko, si [Von] Pessumal. Suot niya ‘yung black. Maganda rin ‘yun. Sina Calvin [Abueva], sina [Kevin] Racal. Suot na rin nila ‘tong bago. Nakakatuwa kasi nakikita ko na enjoy din sila sa bagong Hyperdunk at hindi lang pala ako. Noong nakalaban nga namin sina Pessumal tinatanong ko pa siya kung bago ‘yung suot niya habang binabantayan ko siya. Nakakatuwa na marami kami nagsusuot ng sapatos na ‘to.



The Nike React Hyperdunk 2017 in Flyknit, Mid, and Low is now available in-store and on TITAN22.COM.



SHARE THIS ENTRY